Search for an article

Results

Saturday, January 31, 2009

Bakit ganito ang mga Pinoy: a theory

Palabas ako opisina namin para bumili ng lunch sa McDo sa tapat namin. Sobrang gutum na gutom ako nun kasi hindi ako nakapag-breakfast sa bahay dahil sa pagmamadali. Ok pa naman, sabi ko. Pero gumagaralgal na ang tiyan ko.

Pagdating sa may kanto para tumawid papuntang McDo, nawirduhan ako sa sitwasyon. Tumingin ako sa stoplight at naka-red ito. Pero nandoon ang isang Makati police sa gitna ng Pasong Tamo at Buendia na nagpapadaan ng mga sasakyan. Sabi ko tuloy, "Baliktad na ba ang mundo ngayon? Paanong naging go ang pula?"

Hindi lang yun. Minsang pabalik kami sa opisina matapos kaming kumain ng dinner ng mga officemates ko nang makita ko ang isang Makati police na nagyo-yosi habang nakasuot ng uniporme niya. Sa totoo lang, may litrato ako nun dati. Pero nasira yung memory card ko kaya "memory" na lang yung natitira.

Pansinin ninyo yung mga balita sa radyo, newspaper at TV. Puro corruption and mga lagay lagay ang mga naririnig at nababasa natin. Una dito e yung sa mga Alabang Boys na sinuhulan daw ng kung ano. Tapos, yung sa impeachment ni GMA. At marami pang iba.

Base naman sa isang website na napuntahan ko, tayo ang Number 1 sa Asia pagdating sa corruption.

Bakit ba ganito tayong mga Pinoy, lalo na sa mga government officials natin? Puro pasaway! Puro katarantaduhan!

Naalala ko lang yung sinabi ng isa kong prof sa Philippine History noong nag-aaral pa ako na hanggang ngayon e hindi ko pa talaga nakakalimutan.

Sa paniniwala ko, ito siguro yung rason kung bakit tayo mga pasaway.

Balikan natin sandali ang ating kasaysayan (di ako sigurado kung tama ito, pero sabihan ninyo ako ng maayos kung may mali akong nasabi).

Noong sinakop tayo ng Espanya, kabilang tayo nasasakupang teritoryo ng Viceroyalty of New Spain kung saan ang Mexico ang namamahala sa atin mula 1565 hanggang 1821. Namahala lang ang Madrid sa atin mula 1821 hanggang 1898.

Ayon sa dati kong prof, kasabay ng mga pinapadala sa Pilipinas para makipagkalakal (o yung Manila Galleon Trade) ay yung mga patapon ng Mexico: mga korap, mga pasaway, at mga walang kuwentang tao ng Mexico noon. At simula noon, napasa-pasa na ang mga katarantaduhan nila sa atin hanggang sa kasalukuyan.

Maraming tao na ang nakapagsabi sa akin na wala na tayong pag-asa para magbago pa. Kung meron man, kailangang mangyari ang isang ethnic cleansing dito sa atin, lalo na sa ating gobyerno. Naisip ko lang: Kung hindi sana sinira ni Isagani yung lahat ng mga plano ni Simoun na patayin ang lahat ng mga tao, lalo na ang mga opisyal ng Pilipinas noon (base sa nobela ni Rizal na El Filibusterismo), siguro magiging maayos na ang lahat. Wala ng mga korap na tao, opisyal o mamamayan. Lahat tayo ay disiplinado.

Kung totoo nga ang teoriang nabanggit ko kanina, mananatili na lang ba tayong ganito? Tatanggapin na lang ba natin ito na wala tayong nagagawang aksyon?

Ako hindi.

Gaya ng mga lyrics ng kanta ni Michael Jackson na Man in the Mirror, sisimulan ko sa sarili ko. Paunti-unti lang muna hanggang mahawa na ang iba sa paligid ko.

Naalala ko ang isang kuwentong narinig ko dati.

Noong bata pa siya, pinangarap niyang maging hari ng buong mundo para gumanda ito.

Pero walang nangyari.

Nang siya ay maging teenager, pinangarap niyang maging pangulo ng Pilipinas para umayos ito.

Pero walang nangyari.

Nang siya ay nagsimulang magtrabaho, tumakbo siya bilang Mayor para umayos at tumino ang mga taong nasasakupan niya.

Pero hindi siya naging Mayor (sabi daw e dinaya siya).

Nang siya ay tumanda at nagkaroon ng mga apo, sinimulan niyang pagandahin ang kanyang lugar hanggang siya ay naging presidente ng kanilang subdivision. Mula noon, nahawa ang ibang mga nasa paligid hanggang nakilala siya at binigyan ng parangal.

Sa gabi ng parangal, tinanong siya, "Ano ang isang bagay na gusto mo pang gawin?"

Ito ang paluha niyang sagot.

"Gusto ko pang pagandahin pa ng husto ang aming subdivision nang sa ganun ay mahawa ang ibang mga subdivision, mahawa ang mga karatig na bayan, at malay mo mahawa ang buong Pilipinas at ang buong mundo."

Simulan natin sa sarili natin.

No comments:

Post a Comment